Delivery boy dedo sa bike crash
LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa Quezon Medical Center ang 25-anyos na delivery boy makaraang bumangga ang kanyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Gulang- gulang, kahapon ng madaling araw. Nabasag ang bungo dahil walang suot na helmet ang biktimang si Ruben Lasquety, empleyado ng Fat Jhons Grill at residente ng Barangay Market View. Batay sa ulat na nakarating kay P/Supt.Reynaldo Maclang, patungo sa city proper ang biktimang nagmomotorsiklo nang mawalan ng kontrol pagsapit sa kurbadang highway saka nagtuluy-tuloy na bumangga sa poste ng kuryente. Ilang minuto ang nakalipas ay rumesponde ang rescue team subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.
- Latest