^

Probinsiya

Magkapatid na paslit nalunod sa quarry

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bata na magkapatid ang nasawi makaraang malunod sa quarry area sa isang ilog sa Kanya Drive, Luyahan, Brgy. Pasonanca, Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga West Metro Medical Center ang mga biktimang sina John Carlo Francisco, 7 taong gulang at kapatid na si John Christian, 5 anyos. Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9 na naganap ang insidente sa isang ilog sa nasabing lugar dakong alas-5 ng hapon. Nagkatuwaan ang magkapatid na maligo sa ilog sa may quarry area. Gayunman, napagawi si John Christian sa malalim na bahagi ng quarry area bunsod upang malunod. Tinangka naman siyang sagipin ng kanyang kuya pero kapwa sila nilamon ng ilog.  Nakuha naman ang mga katawan ng dalawang bata ng mga nagresponde sa lugar at nagawa pa silang maisugod sa pagamutan pero  nabigo ang mga manggagamot na maisalba pa ang kanilang buhay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with