^

Probinsiya

Holdaper/karnaper huli sa checkpoint

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Arestado ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa robbery hold-up at carnapping kabilang ang nabigong pagpatay matapos na masabat ng pulisya habang lulan ng motorsiklong kinarnap at makuhanan pa ng baril at shabu sa isang police checkpoint sa Brgy. Anyatam, San Ildefonso, ng lalawigan nito kamakalawa ng gabi. Ang suspek ay si Jaypee Mark Ramos, 18, binata ng Brgy. Bagong Silang, San Miguel, Bulacan. Sa ulat ni P/Supt. Ferdinand Germino ng Provincial Public Safety Company, dakong alas-7:15 ng gabi habang nagmaman­do ng police checkpoint ang kanyang mga tauhan sa Daang Maharlika Highway sa Brgy. Anyatam nang biglang dumating ang suspek lulan ng motorsiklong Yamaha MIO Amore na walang plaka at walang suot na helmet sanhi upang siya ay sitahin. Habang bineberipika ang suspek, dito nadiskubre sa kanyang katawan ang isang walang dokumentong .38 revolver na may anim na bala at dalawang sachet ng shabu sanhi upang siya ay arestuhin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with