^

Probinsiya

Sunog sa NCCC mall: Faulty electrical wiring

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —   Lumalabas sa imbestigasiyon na “faulty electrical wiring” ang sanhi ng nangyaring mala­king sunog sa NCCC Mall na ikinasawi ng may 38 katao sa Davao City kamakailan.

Ayon kay Inter-agency Anti-Arson Task Force spokesperson Supt. Jerry Candido, electrical short circuit ang na­ging dahilan ng malaking sunog ng NCCC mall.

Batay sa ulat na inilabas kahapon, nabutas umano ang galvanized foilings na kinalalagyan ng ilang kawad ng kuryente sa loob ng mall, ayon sa analysis sa kanilang arson laboratory.

Naging mabilis ang pagka­lat ng apoy dahil sa mga na­kaimbak na tela sa ikatlong palapag ng New City Commercial Center noong December 23.

Ipinaliwanag ni Candido na mali ang disensyo ng mga fire exits sa nasabing mall. Bukod sa hindi fire-rated ang mga pintuan, mahirap din umanong hanapin ang mga ito kapag makapal na ang usok.

Napansin din ng mga arson investigators na nasa manual mode ang fire alarm at water sprinklers ng mall kaya hindi ito gumana nang magsimulang lumaki ang apoy sa ikatlong palapag. Hindi rin umano gumana ang mga fire extinguishers dahil luma na ang mga ito.

Sa ngayon, inihahanda na ng binuong inter-agency task force ang kanilang ire­rekomendang kaso laban sa pamunuan ng nasabing mall.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with