PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Most wanted ng Palawan timbog sa Tarlac

MANILA, Philippines — Sa likod na ng rehas sinalubong ng isang lalaking senior citizen ang Bagong Taon matapos madakip sa lalawigan ng Tarlac nitong Sabado.

Inaresto si Leovino Aniciete, 66, residente ng Barangay lrawan, Puerto Princesa para sa kasong murder sa pagpatay niya sa dalawang Hapon.

Nasakote si Aniciete sa bisa mg arrest warrant na inilabas ni Regional Trial Court Branch 49 Judge Arnel Cesar nitong Agosto.

Nagtatago sa kaniyang hideout sa Barangay Poblacion Uno, Pura si Aniciete nang mahuli ng mga awtoridad.

Isa ang suspek sa most wanted persons ng lalawigan ng Palawan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: