PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 katao nilamon ng apoy

PAMPANGA, Philippines — Tatlo-katao ang namatay makaraang ma- trap sa kanilang bahay na nasunog sa Barangay Tabun sa Angeles City, Pampanga noong Lunes ng madaling araw. Base sa police report na nakarating sa Camp Olivas, kabilang sa namatay ang may-ari ng bahay na si Edith Guinto, kasambahay na si Elizabeth Bautista, at Ella Marie Babon, 16, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-4 ng madaling araw nang makarinig ang mga kapitbahay ng pagsabog sa loob ng bahay ng mga biktima subalit inakalang bahagi lamang ito ng pagsalubong sa Bagong Taon. Gayunman, naalarma ang mga kapitbahay nang marinig na ang hiyawan ng mga biktimang humihingi ng tulong. Ayon pa sa ulat, makalipas ang isang oras ay saka tumawag ng mga bumbero ang ilang kapitbahay kaya halos tupok na ang bahay pagdating ng mga ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: