PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

State of calamity sa Lanao del Sur

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Lanao del Sur upang mas mapabilis ang pagbibigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong Vinta.

Pinasalamatan ni Gov. Soraya Adiong ngayong Biyernes ang Sangguniang Panlalawigan sa pagsuporta sa deklarasyon.

Sa ilalim ng state of calamity ay mahuhugot ang emergency fund ng lalawigan habang magkakaroon ng prize freeze sa mga pangunahing pangangailangan.

Libu-libong residente ang nasalanta dahil sa idinulot na flash flood ng bagyo, kung saan higit 20 ang nasawi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: