^

Probinsiya

Bike vs bike: Rider tigok, 2 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bulagta ang 19-anyos na rider makaraang makipagsalpukan ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo habang patungo sa tradisiyonal na Simbang Gabi sa Barangay Simbaluca, bayan ng Sta. Teresita, Cagayan noong Linggo ng madaling araw. Ayon kay P/Senior Insp. Aleeh Bacuyag, hepe ng Sta.Teresita police station, walang headlights ang motorsiklo ni Ritzel Amistad kaya hindi napansin ni Michael Coloma, 22,  sa gitna ng ambon at makapal na hamog dakong alas-4 ng madaling araw. Kasama ng dalawang drayber na isinugod sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital ang kaangkas ni Amistad na si Larry Retuta. Gayunman, idineklarang patay si Amistad nang mairating ng mga sumaklolo sa nasabing ospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with