^

Probinsiya

Hepe ng Cotabato police patay sa aksidente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang hepe ng Antipas, Cotabato police office, habang apat ang sugatan nang maaksidente sila sa Kidapawang City kahapon.

Dead on the spot si Chief Inspector Raymund Sarmogenes nang salpukin ng kaniyang asul na Toyota Avanza ang isang jeep sa Cotabato-Davao Highway.

Kilala ang naturang kalsada bilang accident prone dahil sa dami nang nadidisgrasya doon.

Nakilala ang mga sugatang sina Joselito Aberde, misis na si Maria Evelyn, at anak nilang sina Jenny Joy at John Rey.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga biktima.

Sinabi naman ni Superintendent Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato provincial police na wasak na wasak ang sasakyan ni Sarmogenes sa tindi ng banggaan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with