^

Probinsiya

5 tiklo sa anti-drug operation

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Limang drug suspek ang magdaraos ng Pasko sa kulungan makaraang maaresto ng mga pulis at PDEA-region 3 sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Barangay Batia sa bayan ng Bocaue at Barangay Santa Cruz sa bayan ng Guiguinto, Bulacan noong Sabado. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Moises “Goma” Simeon, Nomer Quiñanola at Teddy Cayubit, mga residente ng Northville 5 Brgy.Batia, Bocaue; Rommel Oliveros at si Ana Rose Cano, ka-live-in ni Oliveros na kapwa nakatira sa Cagayan Valley Road, Brgy. Santa Cruz sa bayan ng Guiguinto. Sa ulat ni P/Supt. Jowen Dela Cruz na naisumite sa Camp Alejo Santos, unang nasakote sina Simeon, Quinanola at Cayubit. Naaresto naman ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Jason Quijana, ang magka-live-in na sina Oliveros at Cano sa kanilang bahay sa Brgy. Santa Cruz. Nasamsam sa mga suspek ang 11 plastic sachet na shabu, digital weighing scale at P1, 500 marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with