^

Probinsiya

3 pulis tigok, 3 kritikal sa killer truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
3 pulis tigok, 3 kritikal sa killer truck

Ayon kay PO2 Anthony Pamittan, idineklarang patay sa Cagayan Valley Medical Center ang drayber ng Toyota Hilux SUV (SJZ-866) na si PO1 Ben Jay Keith Pursen at PO1 Jesmonde Basiag habang namatay naman kahapon lang ng umaga si PO1 Daryll James Galario.? File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nabahiran ng trahedya ang unang gabi ng Misa De Gallo matapos kunin ni Kamatayan ang tatlong pulis habang tatlo pa sa kanilang kabaro ang kritikal makaraang salpukin ng kanilang patrol SUV ang kasalubong na 10-wheeler truck sa kahabaan ng highway sa Barangay San Lorenzo, bayan ng Iguig, Cagayan noong Biyernes ng gabi.?

Ayon kay PO2 Anthony Pamittan, idineklarang patay sa Cagayan Valley Medical Center ang drayber ng Toyota Hilux SUV (SJZ-866) na si PO1 Ben Jay Keith Pursen at PO1 Jesmonde Basiag habang namatay naman kahapon lang ng umaga si PO1 Daryll James Galario.?

Kritikal naman sina PO1 John Rey Balong-angey, PO1 Winnie Belangui at si PO1 Charlo Kiat-ong na tumilapon palabas ng sasakyan at nagpa-gulung-gulong pa sa kalsada. ?

Sinasabing nag-overtake sa isa pang sasakyan si P01 Pursen kaya nito nasalpok sa kabilang linya ang trak na minamaneho ni Antonio Sumulat, 42, na sumuko naman matapos ang sakuna na naganap dakong alas-9:30 ng gabi.?

Nabatid na pauwi sa kanilang kampo sa Provincial Mobile Force Company sa bayan ng Luna, Apayao ang mga biktima matapos maghatid ng kabaro sa pagamutan para magpa-check-up nang salubungin sila ni Kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with