^

Probinsiya

ZPPO pinarangalan ng NAPOLCOM

Pilipino Star Ngayon

SUBIC, Zambales  , Philippines  —  Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Zambales ang Zambales Provincial Police Office sa kanilang kampanya laban sa droga.

Sa ipinalabas na reso­lusyon ng SP sa pangu­ngu­na ni Board Member Jon Khonghun, ang pagkilala ay kasunod ng pagbibigay karangalan ng police regional office 3 sa aktibong pagganap at pagpapatupad ng kapulisan lalo na sa “Double Barrel Alpha and Reloaded”.

Partikular na kinilala ng PRO3 ang pagsisikap ng pamunuan ng Subic Police Station sa pamumuno ni P/Chief Insp. Leonardo Nic­dao Madrid, na maisakatuparan ang war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nasa ikatlong ranggo ang Subic police sa buong region 3 ng PNP sa anti-drug campaign ng kasalukuyang administrasyon kung saan una na rin nagbigay pagkilala ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pagpapakita ng “professionalism and exem­plary performace”.

Bilang pagkilala, ginawaran ng National Police Commision-PNP ng “Me­dalya ng Kasanayan” ang ZPPO sa pagsawata ng iba’t ibang krimen at kampanya kontra drug trade.

Habang si Madrid naman ay biniyayaan ng plaque of recognition ng PNP-PRO3 bilang “best performer” kaugnay ng kampanya laban sa droga sa region 3.

Malugod namang ikinagalak ni Mayor Jefferson Jay Khonghun ang pagkilala sa Subic police na nangangahulugan lamang na kaakibat ang LGU sa prime campaign ni Pangulong Duterte sa war on drugs sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with