^

Probinsiya

2 patay, 7 sugatan sa pag-atake ng BIFF sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon
2 patay, 7 sugatan sa pag-atake ng BIFF sa Maguindanao

MANILA, Philippines — Muling nagpang-abot ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at mga sundalo sa bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao kagabi.

Dalawang residente ang nadamay at nasawi sa bakbakan, habang pito ang sugatan, kung saan apat dito ay mga bata.

Nakilala ang mga biktimang namatay na sina Unti Kamama, 60, at 13-anyos niyang apo na si  Mohammad Kamama na kapwa nasawi mula sa multiple gunshot wounds.

Sumiklab ang kaguluhan matapos sugurin ng nasa 30 miyembro ng BIFF ang hanay ng mga sundalo sa Barangay Timbangan.

Bukod dito ay pinaulanan din ng bala ng mga bandido ang bahay ng mga Kamamas dahilan ng kanilang pagkakasawi.

Nakiusap naman si Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan sa bandidong grupo na huwag mandamay ng mga inosenteng buhay.

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhan ng kaguluhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with