^

Probinsiya

2 parak sugatan sa pamamaril sa Taytay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang na­sugatan makaraang pagbabarilin ng armadong lalaki sa Marcos highway, Sitio Pulang Lupa, Brgy Sampaloc, Tanay, Rizal kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina SPO1 John Asley Asoy at PO2  Genaro Bejer; nakatalaga sa Police Community Precint (PCP) 1 na nakabase sa Brgy. Sampaloc, Tanay .

 Ang mga suspek ay natukoy namang sina Rodel Llo­rera ,   at Gener Ramos alyas Onse, residente at Sitio Pulang Lupa, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal na mabilis na nagsitakas matapos ang krimen.

 Sa report ni Supt . Carlito Canlas, hepe ng Tanay Police, naganap ang insidente dakong alas -8:40 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bago ito ay nagtungo sa nasabing himpilan si June Rivera at inireport ang  pang­haharass ng mga suspek sa lugar na armado ng armas at matalim na itak.

Agad namang nagres­ponde ang mga pulis na agad sinalubong ng pamamaril ng mga suspek na ikinasugat ng dalawa sa mga ito na isinugod at kasaluku­yan nang nilalapatan ng lunas sa Camp Capinpin Hospital.

Kaugnay nito, sinampahan na ng kasong  grave threats, dalawang counts ng direct assault with frustrated murder at dalawang counts  ng direct assault with attempted murder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with