PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 dedo sa road mishap

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi sa magkakahiwalay na sakuna sa lansangan sa bayan ng Catmon at Toledo City sa Cebu kamakalawa.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, dakong alas-2 ng hapon  nang mabangga ng isang humahagibis na motorsiklo na minamaneho ni Kevin Samosa ang biktimang si Marilyn Romero, 39.

Ayon sa imbestigasyon,  hindi umano napansin ng rider na si Samosa ang biglaang pagtawid ni Romero na tuluy-tuloy nitong nabundol. Ang ginang ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan na siya nitong ikinamatay.

Sa isa pang insidente da­lawa katao naman ang nasawi makaraang mabangga ng delivery truck ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa Brgy. Poog, Toledo City .

Ang mga ito ay nakilalang sina Dominador Rabadon ng Talisay City at  inaalam naman ang pagkakakilanlan ng isa pang nasabing biktima.

Lumilitaw sa imbestigas­yon, na masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo kung saan hindi na nagawang magpreno ng driver ng truck na si Gerald Carbinas , 28 anyos .

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap ng mga ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: