PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Salpukan ng dalawang motorsiklo: 2 todas

NORTH COTABATO, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang  rider ng motorsiklo, isa dito estudyante sa kolehiyo matapos na magsalpukan sa may Km 126, La Esperanza, Tulunan, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dalton James Javier, 18, 3rd Year Veterinary Medicine student ng University of Southern Mindanao at residente ng Tacurong City at Antonio Tumaob, 61, , residente ng Tibao, Mlang, North Cotabato.

Habang malubha naman ang misis ni Tumaob na si Yolanda Buhayan na ginagamot ngayon sa Sorilla Medical clinic.

Ayon kay PSI Michael Elopre, hepe ng Tulunan PNP nangyari ang aksidente alas-4:30 ng madaling araw kamakalawa.

Minamaneho ni Tumaob ang kanyang kulay asul na XRM 110 (IP8174) buhat sa Mlang papunta ng Tacurong City habang si Javier naman ay binabaybay ang Highway patungo ng Mlang galing sa direksiyong Tacurong.

Kapwa kinapos ng pagtantiya ang dalawang drayber dahilan para magkasalpukan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil sa lakas ng impact, kapwa nasawi ang dalawang mga driver habang kritikal naman ang misis ni Tumaob.

May dala pa umanong manok ang  estudyante  para sana sa laboratory nila noong araw na yun pero di na umabot ng buhay sa pagamutan.

Ang dalawang mga motorsiklo ay kapwa nagtamo naman ng pinsala na nga­yon ay nasa Tulunan PNP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: