^

Probinsiya

Truck ‘nagwala’: 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Truck �nagwala�: 4 sugatan

Inararo ng 16-wheeler truck ang mga establisimento at mga nakaparadang sasakyan sa may Brgy. Mayamot sa Marcos Highway, Antipolo City. Sinasabing nawalan umano ng preno ang truck na rumagasa sa naturang lugar.  Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasugatan makaraang aksidenteng ara­ruhin ng isang 16- wheeler truck ang ilang mga establisimento at hilera ng mga sasakyan sa kahabaan ng Marcos highway, Antipolo City nitong Biyernes.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatang sina Rommel Talindong, driver ng truck at  pahinante nitong sina Arwin Alibutang gayundin ang mga sibilyang sina Elanor Larga, 63 ; Estifanio Bautista .

Ang mga ito ay mabilis na isinugod  sa Amang Rodriguez  Hospital para malapatan ng lunas.

Sa ulat ng Antipolo City Police, nawalan umano ng preno ang truck bunsod upang sumampa ito sa gutter at araruhin ang anim na sasakyan na nasa isang talyer , furniture shop at iba pang establisyemento sa lugar.

Kabilang naman sa napinsala sa insidente ay tatlo pang truck , isang van at dalawang SUV.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with