^

Probinsiya

71-anyos ninakawan, inutas ng akyat-bahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Kamatayan ang sinapit ng 71-anyos na lolo makaraang pagnakawan ay binaril pa ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Sta.Terasa sa bayan ng Baao, Camarines Sur noong Lunes ng umaga. Natagpuan sa tabi ng kanal malapit sa kanilang bahay ang  biktimang si Domiciano Largo na may tama ng bala sa batok. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-8 ng umaga nang madiskubreng pinasok ng mga kawatan ang bahay ng biktima. Laking gulat ng kanyang anak na si Jesus nang umuwi at makitang nagkalat ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay at nawawala ang malaking halaga ng pera. Gayunman, nakita ang kanyang tatay na nakabulagta sa kanal kung saan pinaniniwalaang binaril nang magtangkang tumakas. Patuloy ang imbistigasyon ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with