^

Probinsiya

Alitan sa lupa: Misis kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo sa brutal na pamamaslang sa 59-anyos na misis matapos itong pagtatagain sa leeg ng hindi kilalang lalaki sa Sitio Lima, Barangay Baluno sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Halos lumaylay ang leeg ng biktimang si Cletelde Salcedo nang madiskubre ang bangkay nito sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas -6 ng umaga nang magtungo sa kaniyang kaingin ang biktima sa nasabing lugar na dapat sa kanilang bahay manananghalian pero hindi ito nakauwi.

Isang kapitbahay na si Rowena Casimiro ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na duguang nakabulagta sa madamong bahagi ng nasabing lugar.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng suspek kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay alitan sa lupa at personal na galit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with