^

Probinsiya

Suspek sa saleslady slay, arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon  , Philippines  —  Hawak na ng pulisya ang isang lalaki na itinuturing na person of interest sa pamamaslang sa saleslady ng boutique sa Barangay 3 sa Lucena City, Quezon.

Ayon kay P/Supt. Reynaldo Maclang, pansamantalang itinago sa pangalang Magno ang lalaki na unang nadakip sa nasabing barangay noong Lunes dahil sa kasong trespass to dwell.

Sa interogasyon ay ki­nakitaan ng mga kalmot sa katawan si Magno at may mga bahid ng dugo ang damit nito.

Tumutugma rin ang des­kripsyon nito sa tinuran ng witness tungkol sa suspek na nangholdap at pumatay kay Vheanca Anne Punzalan, 19, noong Biyernes ng hapon (November 17) sa Baby Owl Boutique.

Sa panig naman ni P/Senior Supt. Roderick Ar­mamento, kinunan ng specimen si Magno upang isailalim sa pagsusuri at kapag nagpositibo ito ay pormal na kakasuhan sa pagpatay kay Punzalan.

Katarungan naman ang hingi ng pamilya at mga kaibigan ng biktima at  idinaan nila ito sa social media at kasabay nito ang panawagan sa pulisya na madaliing resolbahin ang kaso upang hindi na maulit ang kahalintulad na krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with