Obrero sinuwelduhan ng saksak, tigok
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tigok ang 30-anyos na obrero matapos itong gripuhan ng kanyang kanayon na tumangging siya’y suwelduhan sa pagbibilad ng mais sa Barangay Sto. Tomas, bayan ng Tuao, Cagayan noong Sabado. Sinasabing nagastos ni Regie Dejeria, 27, ang sahod ni Jomar Ramos na kinita nila sa pagbibilad ng mais sa karatig bayan ng Rizal, Kalinga matapos silang maglaklakan bago umuwi. Ayon sa police report, kinatok ni Ramos sa bahay si Dejeria upang kunin ang kanyang sahod. Sa halip na bayaran ay inundayan ni Dejeria ng saksak sa dibdib ang kaibigan saka tumakas. Isinugod sa Tuao District Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.
- Latest