^

Probinsiya

Magsasaka nilamon ng lawa

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Bangkay na ng marekober ang katawan ng 48-anyos na magsasaka matapos itong malunod habang naliligo sa lawa, Purok 3, Barangay Tibao sa bayan ng Mlang, North Cotabato, kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakara­ting kay P/Supt. Bernard Tayong, spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office, nalunod ang biktimang si Severino Legara Largo sa malalim na bahagi ng lawa. Sinasabing kasama ng biktima ang pamangking si Boyet Catulong nang maligo sila sa nasabing lugar.Subalit nang napadako sa malalim na bahagi ng tubig ang biktima ay nakaranas ng pulikat sa paa hanggang sa maglaho sa lawa. Hindi na rin naisalba ng pamangkin ang tiyuhin kaya tuluyang nalunod. Makalipas ang isang oras ay narekober ng rescue team ang bangkay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with