^

Probinsiya

P11-M smuggled rice, nasabat

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Tinatayang aabot sa P11 mil­yong halaga ng smuggled rice ang nasabat ng Philippine Navy sa karagatang sakop ng Island Garden City of Samal sa Davao del Norte kamakalawa ng gabi.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Navy ang 5,000 sako ng smuggled rice na tumitimbang ng 250,000 kilo.

Base sa ulat ng Naval Forces Eastern Mindanao, bandang alas-10:50 ng gabi nang namataan ang M/L Sunlight na may lulang kontrabando.

Ayon kay Capt. Jose Ma Ambrosio Espeleta, deputy commander ng Naval Forces-Eastern Mindanao, patungong Maco, Compostella Valley mula sa Zamboanga City ang nasabing bangka nang masabat ng Task Force Seahawk.

Walang naipakitang kaukulang dokumento ang kapitan ng M/L Sunlight na si Ahndun Amil.

Sa salaysay ni Amil, ito na ang pangalawang beses na nag-deliver sila ng bigas sa sinasabing isang nag­ngangalang alyas Johak Sahid sa bayan ng Maco.

Patuloy naman ang im­bes­tigasyon ng mga awtoridad kung saan nagmula ang bigas na ipinupuslit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with