^

Probinsiya

Motorbike vs trak: Pastor dedo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang 22-anyos na pastor makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na 18-wheeler truck sa Barangay Nagsanga sa bayan ng Pasuquin, Ilocos, Norte kamakalawa ng­ ­umaga. Kinilala ang biktima na si Pastor May John Tecson ng 7th Day Adventist, tubong San Jacinto, Pangasinan at naninirahan sa Barangay Poblacion, bayan ng Pagudpod, Ilocos Norte. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si Arnold Uberita, 45, ng Mabuttal East, bayan ng Ballesteros, Cagayan. Base sa police report, naganap ang insidente sa palikong bahagi ng kalsada sa nasabing barangay. Agad na naisugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang patay. Nakatakda namang kasuhan ang driver ng trak habang ito ay nakakulong sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with