PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

309 pulis sasabak sa ASEAN security

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — May kabuuang 309 police contingent mula sa Cordillera ang sasabak sa seguridad sa isasagawang Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Metro Manila. Sa send-off ceremony sa Camp Bado, Dangwa sa bayan ng La Trinidad, Benguet kahapon, ipinaalala ni Police Regional Director P/Chief Supt. Elmo Sarona sa kanyang mga tauhan na naninigarilyo at ngumunguya ng “nga-nga” (beetle nut) na dispatsahing maayos ang kanilang mga kalat at pagdura upang hindi umani ng negatibong reaksiyon sa mga bisita. Sinabi ni Sarona sa halip ay ipamalas ng kanyang mga tauhan ang matamis nilang ngiti maging sa mga nagsasagawa ng rally malapit sa summit venue bilang tanda ng kanilang maximum tolerance. 
Ang contingent na pinamumunuan ni P/Supt. Greg Ammiyao ay karamihan ay hinugot mula sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng Cordillera.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: