^

Probinsiya

2 nilamon ng dagat

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN  , Philippines  — Dalawa-katao ang namatay habang apat naman ang nasagip makaraang malunod sa malalim na bahagi ng dagat sa Barangay Poblacion, bayan ng Morong, Bataan noong Linggo. Kinilala ni P/Senior Insp. Larry Valencia, ang mga biktima na sina Arnold Pasague, 25, ng #161 Pechay Arellano St. Barrio Caloocan; at JM Flores, 14, ng Caloocan City. Base sa police report, magkakasamang nagpiknik ang mga biktima sa dalampasigan sa nasabing lugar kung saan naligo sina Pasaque at Flores kasama ang ilang kaibigan. Gayunman, napagawi ang dalawa sa malalim na bahagi ng dagat kaya nalunod habang nasagip naman sina Bryan Tan, 25; Ruben Guray, 37; Rudy Dapat, 39; at si Janice Tan, 23. Base sa ulat, ang katawan ni Pasague ay lumutang dakong alas-3: 20 ng hapon subalit idineklarang patay sa Morong Health Center. Samantala, ang bangkay naman ni Flores ay lumutang sa karagatang bahagi ng Morong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with