^

Probinsiya

Killer ng trader, utas sa shootout

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Utas ang isang sinasabing hired killer at robbery suspect matapos na umano’y makipagbarilan sa mga tumutugis na pulis kaugnay sa pag-holdup at pagpatay niya sa isang negosyante sa Santiago City, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni Santiago City Police Director Sr. Supt. Percival Rumbaoa ang napatay na si Juan Baquirin, ng Brgy. Bonifacio sa kalapit bayan ng Alicia.?Ayon sa report, napuruhan sa noo si Baquirin nang manlaban  sa mga tumutugis na operatiba na nakatunton sa kanyang hideout sa Barangay Rizal.? Ayon kay Rumbaoa, bukod sa mga kaso ng pagpatay at akyat-bahay ay suspek din si Baquirin sa pagtumba kay Ildefonso Esteban, 40, na umano’y kanyang kinatay matapos holdapin saka itinapon ang bangkay sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela noong Miyerkules.  Nakuha sa suspek ang isang armas at granada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with