^

Probinsiya

Construction company ni-raid ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang naghasik ng terorismo ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na salakayin at sunugin ang mga heavy equiptments ng construction company sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro kahapon. Sa ulat ng Army’s 203rd Infantry Brigade, dakong alas-5 ng hapon nang sumalakay ang NPA rebels sa Bluemax Tradelink Inc. sa Barangay Malawaan. Wala namang nagawa ang mga security guard, mga kawani ng nasabing kompanya dahil armado ang mga rebelde ng malalakas na kalibre ng armas. Ilan sa mga rebelde ay naka-camouflage ng isagawa ang pagsalakay sa nasabing construction company. Agad na binuhusan ng gasolina ang mga heavy equiptments saka sinilaban hanggang sa tuluyang mawasak. Kaagad na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatan kung saan nakaputukan pa ang tumugis na puwersa ng Philippine Army ilang oras matapos ang insidente. Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng panununog habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with