^

Probinsiya

Holdaper dedo sa shootout

Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  — Napatay ang isa sa tatlong holdaper habang dalawa naman ang sumuko makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Hagonoy, Bulacan noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang napaslang na si Ricardo “Buwaya” Viray, 36, mangingisda, ng Brgy. Sto Niño habang sumuko naman sa pulisya ang isa pang suspek na si Daniel Galvez, 21, ng Brgy. Santa Monica, Hagonoy at isa pa na inaalam ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon nina PO3 Alexander Andal at PO2 Alberto Escartin, hinoldap muna ng tatlo ang mga biktimang sina Jericho Perez, 36; at John Hernan Seva saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Nagreklamo sa pulisya ang mga biktima kaya isinagawa ang pagtugis sa tatlo hanggang sa mapatay ang holdaper na si Buwaya.

Narekober ang cal.38 revolver, mga bala, ilang personal na ari-arian ng mga biktima kabilang ang mga bateryang ninakaw at motorsiklong ginamit sa holdapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with