^

Probinsiya

P15-M ‘damo’ winasak ng PDEA

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Umaabot sa P15 milyon halaga ng marijuana ang winasak ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kabundukan ng Sitios Talin at Pugo sa Barangay Tulgao West, bayan ng Tinglayan, Kalinga kamakalawa.

?Sinabi ni Cordillera PDEA Director Edgar Apalla, walang nadatnang cultivators nang lusubin ng mga tauhan ng PDEA ang malawak na plantasyon na may 74, 452 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P15, 310,000.?

Matatandaan na noong Agosto 2016, umabot sa P3.6 bilyon na marijuana ang sinira ng pulisya sa bayan ng Tinglayan. ?

Ayon sa mga awtoridad, tumutubo muli ang mga binunot na marijuana dahil sa mga nahuhulog nitong buto sa tuwing nagkakaroon ng eradication operation taun-taon.?

Noong Pebrero 2017 ay idineklara ng PDEA na drug-free ang Kalinga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with