^

Probinsiya

3 parak, 1 pa patay sa shootout

Pilipino Star Ngayon
3 parak, 1 pa patay sa shootout

Narekober naman sa pinangyarihan ng shootout ang isang cal. 45 pistol na may pitong bala, tatlong Glock cal 9 MM na may apat na magazine at 66 bala at ang behikulong ginamit ng mga kidnapper. File

MANILA, Philippines — Nauwi sa isang madugong shootout nang puma­lag ang apat na sakay ng isang Mitsubishi Adventure, na pinaghihinalaang mi­yembro ng isang notoryus na kidnapping for ransom (KFR) gang, at paputukan ang mga operatiba ng pulisya na pumara sa kanila, dahilan upang gumanti ang mga pulis at mapatay ang mga ito sa Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao ang mga napatay na suspek na sina PO3 Rodel Estonactoc, 41 taong gulang, at lider ng grupo; PO1 Ramil Espejo, 38-anyos;  PO1 Rolando Albios at ang asset na si Erwin Escobido alyas “Taba”.

Sangkot ang mga suspek sa pagdukot kay Carlos Tan, 21-anyos, casino operator sa Resorts World Manila, sa NAIA Expressway habang ito’y patungo sa Entertainment City sa Pasay City noong Oktubre 21.

Nabatid kay Dumlao na si Estonactoc, residente ng #94 Broadway Street, Brgy. Kristong Hari, Quezon City ay isang aktibong kasapi ng Quezon City Police District (QCPD) habang ang dalawang rookie cops nitong mga kasamahan ay pawang nadismis na sa serbisyo.

Dakong alas-4:10 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng PNP-AKG operatives na nakabase sa Camp Crame sa pamumuno ni Supt. Arthur Masongsong at mga kidnappers sa kahabaan ng San Lazaro Road, Sitio Ulong Tubig, Brgy. Mabuhay ng bayang ito.

Naharang ng mga ope­ratiba ang kulay abong Mitsubishi Adventure (ABQ 6451) na sinasakyan ng mga suspek  pero sa halip na sumuko ay nagpaputok ang mga ito ng baril na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Narekober naman sa pinangyarihan ng shootout ang isang cal. 45 pistol na may pitong bala, tatlong Glock cal 9 MM na may apat na magazine at 66 bala at ang behikulong ginamit ng mga kidnapper.

Nakuha rin sa lugar ang anim na basyo ng M16 rifle, apat na piraso ng cal. 45 at isang bala ng cal 9 MM.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with