^

Probinsiya

2 nalunod sa falls

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng magkaibigang estudyante makaraang malunod sa Prinsa River Falls sa Barangay Timbao, Biñan City noong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina Brean Kurt Pasamba, 15; at James Alapitan, 17, kapwa Grade 10 at nakatira sa nasabing barangay. Sa police report ni P/Senior Supt. Cecilio Ison Jr. na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4 ng hapon nang magpaalam ang dalawa sa kanilang pamilya na maliligo sa nasabing lugar. Gayunman, nabigo nang makauwi ang mga biktima at hindi rin kaagad natagpuan makaraang hanapin ng kani-kanilang mga magulang. Samantala, nadiskubre naman na nalunod ang mga biktima kinabukasan matapos na lumutang ang bangkay ng dalawa sa ilog dakong ala-1 ng hapon. Naiahon naman ng search team ang bangkay ng dalawa sa malalim na bahagi ng nasabing ilog na positibong kinilala ng mga pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with