^

Probinsiya

Pintor kinatay ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Napatay ang 24-anyos na pintor matapos  itong pagtatagain ng kanyang kapitbahay kaugnay sa matagal na alitan biktima kamakalawa ng hapon sa Barangay Molino 3 sa Bacoor City, Cavite. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Carlos Bagnot Yee Jr. habang tinamaan ng pulisya ang suspek na si Jonathan Dollizon Santiago, 32, kapwa nakatira sa Block 22, Lot 33, Dayap Street sa Camella Springville sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, tinungo ng suspek ang bahay ng biktima para aregluhin ang matagal nilang alitan. Gayunman, halip na maayos ang alitan ng dalawa ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa mairita ang suspek at isinagawa ang pamamaslang. Tinangkang mamagitan ng kamag-anak ng biktima na si Abigail Llera Bardos ang matinding pagtatalo hanggang sa mapatay ng suspek ang biktima gamit ang matalim na itak. Narekober sa crime scene ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with