Bagger todas sa tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang isang 29-anyos na grocery store bagger habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. 54-B, Camangaan, Laoag City, Ilocos Norte noong Sabado ng gabi.?
Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Provincial Police ang napatay na si Allan Rivero Agnes, ng Brgy. 23, San Andres sa bayan ng Sarrat.?
Lumalabas sa imbestigasyon na binuntutan ang biktima ng dalawang magkaangkas na lalaki sa motorsiklo saka siya niratrat ng backrider pagsapit sa abandonadong bahagi ng highway dakong alas-6:45 ng gabi. ?
Isinugod ng mga sumaklolo si Agnes sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital kung saan siya idineklarang patay. ?
Inaalam pa sa imbestigasyon ang motibo sa nangyaring krimen.
- Latest