^

Probinsiya

Koreano, 14-anyos dalagita nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang turistang Koreano ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Palawan at Iloilo kamakalawa. Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) IVB, ang unang nasawi sa pagkalunod na si Park Hyung Tae, 58, ng South Korea habang nagi-snorkeling sa karagatan ng CYC Island, Brgy. Lajada, Coron, Palawan dakong alas-9 ng umaga. Si Tae, kasama ang mga pamilya at mga kaibigan nitong Koreano ay nagtungo sa Coral Garden snorkeling site nang mangyari ang insidente sa nauwi sa trahedyang pagbabakasyon sa lugar. Nagawa pang i-CPR (cardiopulmonary resuscitation) ang biktima bago dinala sa Coron District Hospital pero idineklara siyang dead-on-arrival. Ayon naman kay Supt. Gilbert Gorero, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 6, nasawi rin ang isang 14-anyos na dalagitang si Lanni Rose Cabanero, Grade 9 student matapos siyang anurin ng malakas na agos sanhi ng malakas na baha sa Brgy. Agta, Leon, Iloilo dakong alas-3:30 ng hapon. Kasalukuyang tumatawid ang biktima nang mawalan ng balanse bunga ng malakas na agos bunsod upang lamunin siya ng ilog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with