^

Probinsiya

Caretaker niratrat habang nagbubukas ng shop

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  — Patay ang isang 48-anyos na caretaker ng isang establisyemento matapos na tadtarin ng bala ng ‘di kilalang salarin habang nagbubukas ng nasabing shop ang biktima sa Gen. Trias ng lalawigan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay ang biktima na nakilalang si Larry Roldan, 48 anyos, may asawa, caretaker ng Maigue Trading at residente ng #289 Brgy San Juan II Gen Trias, Cavite dahil sa dami ng balang bumaon sa kanyang katawan.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng gabi  habang nagbubukas ang biktima ng gate ng Maigue Trading  sa San Juan II, Gen Trias nang biglang lumutang ang hindi kilalang suspek at saka siya pinagbabaril.

 Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod agad ang biktima sa GT Maternity & Pediatric Hospital subalit hindi na siya umabot pang buhay.

 Narekober sa insidente ang anim na basyo ng caliber .45 at isang fired bullet jacket. 

Nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya hinggil sa pamamaril at nangangalap din sila ng ebidensya kabilang ang posiblidad na may CCTV footage sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with