^

Probinsiya

Binatilyo hulog sa imburnal, tigok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 15-an­yos na binatilyo makaraang mahulog sa imburnal sa Mala­ngas, Zamboanga Si­bugay kamakalawa.

 Kinilala ang biktima na si Ariel Villaronte, Grade 9 student ng Diplahan National High School at residente ng Tipanoy, Iligan City.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naitala ang insidente sa Brgy. La Dicha, Malangas ng lalawigan dakong alas-5 ng hapon.

 Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad sa lugar ang binatilyo nang mahulog sa imburnal kung saan tinangay ng malakas na agos ng baha sa ilog sa Sitio Kahayagan ng nasabing lugar.

 Narekober naman ang bangkay ng biktima bandang alas-8 ng gabi ng search and rescue team matapos itong sumabit sa puno sa tabing ilog sa gitna na rin ng pagbaha sa lugar. Itinurn-over na ng rescue team sa kanyang pamilya ang bangkay ng nasabing binatilyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with