^

Probinsiya

Lider ng ‘robbery gang’ utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng �robbery gang� utas sa shootout

 Kinilala ni Supt. Edison Dumangas, hepe ng Sorsogon City Police ang napatay na suspek na si Rommel Sium, 42, ng nasabing lugar. File

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang notoryus na lider ng “robbery/holdup gang” matapos na kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. San Lorenzo, Bibincahan, Sorsogon City nitong Biyernes ng hapon.

 Kinilala ni Supt. Edison Dumangas, hepe ng Sorsogon City Police ang napatay na suspek na si Rommel Sium, 42, ng nasabing lugar.

 Bukod sa pagiging lider ng robbery /holdup gang, si Sium ay sangkot umano sa gun for hire group at isang dating miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa Bicol region.

 Ang suspek ay may nakabimbin ding kasong homicide sa Regional Trial Court (RTC) Branch 53 sa Sorsogon City.

 Bandang alas -5:15 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Brgy. Bibincahan ng lungsod matapos na maispatan ng isang informer ang suspek na may bitbit na armas sa kanilang barangay. 

Gayunman, sa halip na sumuko matapos na makita ang presensya ng mga awtoridad ay agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang arresting team na nauwi sa shootout na kanyang ikinasawi.

 Narekober sa lugar ang dalawang cartridge at isang pistola na inaalam pa kung anong kalibre ng armas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with