Ex-municipal engineer inutas ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tigok ang 53 anyos na dating municipal engineer matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Annafunan West, Tuguegarao City, Cagayan noong Miyerkules. Sa report na nakarating kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City police station, may susunduin sana ni Engr. Antonio Malenab na dating opisyal sa bayan ng Solana sakay ng kanyang Toyota Hilux SUV nang ratratin ng tandem assassains dakong alas-5 ng hapon.? Patay agad si Malenab habang nagkagulo ang mga tao sa paligid na siyang sinamantala ng gunmen na tumakas. Ayon kay P/Senior Insp. Renz Baloran, hepe ng Solana police station na wala sa drugs watchlist o anumang record ng reklamo laban sa biktima habang inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.
- Latest