^

Probinsiya

Dalagita patay sa road mishap

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nabasag ang ulo ng 15-anyos na dalagita matapos itong tumilapon mula sa sinasakyang traysikel na sumalpok sa nakatambak na buhangin sa gilid ng highway sa Barangay Ve­neracion, bayan ng Pamplona, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa Bicol Medical Center sa Naga City subalit dineklarang patay ang biktimang si Jona Trigal ng nasabing barangay.

Arestado naman ang traysikel driver na nangangamoy alak na si Esteban Bautista, 53, ng Barangay Burabod.

Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, sumakay ang biktima sa traysikel na lingid sa kanyang kaalaman ay minamaneho pala ng senglot na driver.

Gayunman, hindi nakita ng driver ang nakatambak na buhangin sa gilid ng kalsada kaya sumalpok ito.

Sa lakas nang pagkakabangga ay sumem­plang ang traysikel saka tumilapon palabas ang biktima na lumagapak ang ulo sa sementadong kalsada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with