^

Probinsiya

Kagawad inutas ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napatay ang 59-anyos na barangay kagawad matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen habang naglalakad sa Sitio Buyabok, Barangay Simpatuyo sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan noong Martes. Ayon kay P/Senior Insp. Aleeh Bacuyag, hepe ng Sta. Teresita police station, napuruhan sa ulo si Kagawad Edna Barrut ng nasabing barangay. Nabatid na halos matanggal na ang bao ng bungo ng biktima sa dami ng mga tama ng bala ng baril. Sinabi ni Bacuyag na hindi droga ang motibo sa pagtumba sa opisyal dahil idineklarang drug free ng PDEA ang kanyang teritoryo. Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong onsehan sa transaksiyon sa lupa dahil may natagpuang aabot sa P30, 000 cash sa bag ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with