^

Probinsiya

Encounter: Sundalo, 2 NPA todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  — Bulagta ang sundalo ng Phil. Army at dalawang rebeldeng New People’s Army sa naganap na sagupaan sa liblib na bahagi ng Sitio Mapalac, Barangay Joroan sa bayan ng Tiwi, Albay kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na sundalo na si Pfc. Robbie Regulacion ng 9th Infantry Division  habang bineberipika pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang rebelde. Ayon kay Army Captain Joash Pramis, hepe ng Public Affairs Office ng 9th Infantry Division, nagpapatrulya ang tropa ng 92nd Reconaissance Company na pinamumunuan ni 1st Lt. Janjan Siatriz nang makasagupa ang grupo ng NPA rebs. Umabot sa 15-minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde sa bulubunduking lugar kung saan naiwan ang dalawang rebelde na napatay. Napuruhan din at napatay si Pfc Regulacion. Narekober ang apat na M16 Armalite rifle, dalawang M2O3 grenade launcher, 15 backpack, mga landmines, mga personal na gamit at ilang kampo ng mga rebelde sa nasabing barangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with