^

Probinsiya

Negosyante patay sa duwelo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabulagta sa harapan ng kaniyang mag-ina ang 35-anyos na negosyanteng Indian habang nasa kritikal namang kalagayan ang mister na naka-duwelo nito sa barilan sa Barangay Granada, Bacolod City noong Lunes ng gabi.

Kinilala  ang napatay na si Sulakhan Singh ng Block 28 Lot 5 Stone Haven sa nasabing barangay.

Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang nakabarilan na si Bertito Gersaba, 59, ng Purok 3 ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Supt. Gilbert Gorero, police regional spokesman na naisumite sa Camp Crame, nangongolekta ng bayad sa pautang ang biktima kasama ang kanyang mag-ina nang makasalubong ang suspek kung saan nagkatinginan ang mga ito nang masama.

Habang tumutulong ang misis ng biktima sa pango­ngolekta sa mga pautang sa mga residente ay bigla na lamang sinundan ng suspek ang misis bagay na ikinagalit ng trader.

Sa puntong ito ay kapwa bumunot ng baril ang dalawa at nagbarilan  kung saan napuruhan ang biktima.

Naisugod naman sa pagamutan ang dalawa pero idineklara ang negos­yante habang nasa kritikal namang kondisyon ang nakabarilan nitong mister.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with