^

Probinsiya

9-anyos totoy kritikal sa pamamaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agaw-buhay ngayon ang 9-anyos na totoy matapos itong barilin sa ulo ng nag-amok na mister sa basketball court sa Barangay Cogon, Calbayog City, Samar kamakalawa ng gabi. Ang biktimang si Aicol Dealagdon ng Purok 2 ay patuloy na isinasalba ang buhay sa Calbayog District Hospital sa tinamong isang tama ng bala sa ulo. Sa ulat ng Calbayog City Police na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa basketball court dakong alas-6 ng gabi kung saan naglalaro ng basketball ang biktima nang biglang mag-amok ang suspek na si Jun Jun Derio ng Brgy. San Jose. Naghahamon ng away ang suspek habang bitbit ang baril pero nang walang kumagat sa hamon nito ay napagdiskitahang barilin ang bata. Sa pahayag ng mga testigo, agad namang tumakas ang suspek na nasa impluwensya ng alak matapos na duguang bumagsak ang bata na agad namang isinugod sa pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with