^

Probinsiya

3 tumba sa pamamaril

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlo-katao ang napatay sa naganap na magkakahiwalay na pamamaril sa tatlong bayan sa lalawigaan ng North Cotabato kamakalawa.

Unang napatay ang magsasakang si Ernesto Taganait, 27, ng Barangay Dallag sa bayan ng Arakan matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Sitio Saag sa nasabing bayan noong Sabado ng gabi.

Ayon sa police report, papauwi na ang biktima nang barilin ng hindi kila­lang lalaki sa ulo.

Inamin naman ni P/Chief Insp. Arjay Celeste, hepe ng Arakan police station, na di-sila agad nakapagresponde sa tawag ng mga residente dahil ang erya ay sinasabing infiltrated ng New Peoples’ Army (NPA), kaya kinabukasan na nila napuntahan ang nasabing lugar.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek na ‘di naman kinilala sa police report.

Samantala, napatay din ang 42-anyos na trike driver na si Jeffrey Cortado Sipi matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Dagohoy Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Mlang, North Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Napatay din ang 37-an­yos na si Allan Salik matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Sitio Lote, Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay P/Chief Insp. Bryan Placer, hepe ng Kabacan police station, pauwi na ang biktimang nakamotorsiklo nang makasalubong si kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with