^

Probinsiya

16-anyos dedo sa pamamaril

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang 16-anyos na out-of-school youth habang tatlo naman ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki ang bahay ng kanilang tiyahin sa Sitio Mahad, bayan ng Pikit, North Cotabato noong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Abuyasser Esmail habang sugatan naman sina Farida Abdullah, 32; Wawan Lamada, at ang apat na taong gulang na bata. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Inspector Romy Castañares, hepe ng Pikit police station, naghahanda ng kanilang hapunan si Esmail sa bahay ng kanilang tiyuhin na si Akmad Bantuan Palaman ng pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 Armalite rifle. Sinisilip ang anggulong personal grudge ang isa sa motibo dahil sangkot umano sa clan war si Palaman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with