^

Probinsiya

31 trekkers tiklo sa pag-akyat sa Mt. Mayon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang 31 na local mountaineers na dumayong umakyat kahit mahigpit na ipinagbabawal sa Mt.Mayon sa bahagi ng Brgy. San Roque sa bayan ng Malilipot,Albay noong Lunes ng umaga.

Nabatid na ipinagbawal ng provincial government ng Albay ang pag-akyat/trekking sa Mt. Mayon noong Sept 2014 sa may 6-kilometer Permanent Danger Zone at 8-km Extended Danger Zone.

Kabilang sa mga mountaineers na inaresto at pinagmulta ay sina Jeff Mansibang ng Los Baños, Laguna, Dickson Solomon, Jonix Gayas, April Besinga, John Borcelio, Alvin Abanez ng Pasig City; Jomar Lipumano, Ai Obel ng Quezon City; Amadeus Reyes ng Marikina City; Marie Vivienne Del Rosario, Rona Sumulong, Ryan Ambas ng Valenzuela City; Leslie Ann Bartolome, Juan Carlos Luarca, Joemari Lampago ng Manila; Philip Benjamin Sison ng Cavite City; Herlyn Bernel, Micah Yago, Alysa Symer Sabidon, Erickson Ometa ng Mandaluyong City; Gabriel Edilberto, Faye Batara ng Makati City; Maricris Dasco, Jeffrey Rodriguez ng Caloocan City; Mark Jolo Cabela ng Bulacan; Dave Kurt Pillaza ng Taguig City; Sidney Saw Galmero ng Parañaque City; She-she Valois ng Cavite City; Melissa Del Mundo ng Muntinlupa City; Ian Maghoyop ng Las Piñas City; at si Orlando Rangas Jr. ng Negros Occidental.

Base sa police report, namataan ang mga mountaineers na pababa sa Mt. Mayon bandang alas-9: 40 ng umaga.

Dito na rumesponde ang Malilipot police sa pangunguna ni SPO4 Dennis Biron saka inaresto ang 31 mountaineers na sinasabing walang pahintulot sa mga kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng climbing activities sa Mt. Mayon.

Umakyat ang grupo noong Linggo ng umaga kung saan  binaybay ang bahagi ng Barangay Bonga, Bacacay.

Pinangaralan ni Dorothy Colle, provincial tourism officer ng Albay ang mga suspek kaugnay sa mahigpit na pagbabawal sa pag-akyat sa nasabing bulkan dahil sa nakataas pa rin ang alert level 1.

Gayunman, pinagbayad ng mga awtoridad ang grupo ng P5, 000 bilang danyos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with