^

Probinsiya

Pulis nag-zipline lumagapak, utas

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Pulis nag-zipline lumagapak, utas

Namatay habang ginagamot sa Healthserve Medical Center ang biktimang si PO1 Andrew Tamayo ng Los Baños Police Station. File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kamatayan ang sinapit ang 32-anyos na pulis makaraang bumagsak sa lawa mula sa napatid na kable ng zipline sa Laresio Lakeside Resort and Spa sa Barangay Tadlac, Los Baños, Laguna noong Linggo ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Healthserve Medical Center ang biktimang si PO1 Andrew Tamayo ng Los Baños Police Station.

Batay sa imbestigasyon, nag-zipline ang biktimang naka-off duty subalit 10 hanggang 20 metro pa lang nakakalayo nang biglang mapatid ang kable ng zipline.

Bagama’t nakasuot ng life vest at  protective head gear ang biktima ay nagtamo pa rin ito ng mga grabeng pinsala makaraang bumagsak sa batuhang lawa.

Umabot din ng 10 hanggang 15 minuto bago na-rescue sa lawa ang biktima at agad isinugod sa nasabing ospital subalit namatay din habang ginagamot.

Hindi naman nakapagbigay ng paliwanag ang pamunuan ng nasabing resort kaugnay sa naganap na insidente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with