^

Probinsiya

Mister tumalon mula 25-ft footbridge, todas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinanghihinalaang may dinadalang mabigat na problema ang nagtulak sa isang mister upang harapin ang kanyang kamatayan matapos itong tumalon mula sa 25 talampakang taas na foot bridge sa kahabaan ng national highway, Brgy.Nueva, San Pedro City, Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/ Sr. Supt. Cecilio Ramos Ison Jr., bandang alas-8:50 ng umaga nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nakatang­gap sila ng tawag sa telepono hinggil sa isang balisang mis­ter na umano’y bigla na lamang tumalon mula sa mataas na footbridge sa nasabing lugar.

Ang nasabing mister na inaalam pa ang pagkakakilanlan ay tinatayang nasa 45-55 anyos ay nakasuot ng kulay asul na sleeveless na t-shirt at short.

Nagulantang na lamang ang mga bystanders nang big­lang tumalon ang lalaki mula sa footbridge kung saan unang lumagapak sa sementadong highway ang mukha nito.

Ang nasabing mister ay nagtamo ng malubhang mga sugat sa kaniyang mukha, ulo at hita na idineklarang dead-on-arrival sa Amante Hospital.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito upang matukoy kung sino ang nagpatiwakal na mister.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with