^

Probinsiya

2 wanted sa kasong murder, tiklo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nagwakas ang pagtatago sa batas ng dalawang most wanted sa kasong murder sa bayan ng Sariaya, Quezon matapos itong madakip ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na lalawigan, kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Roderick Armamento, Quezon police director, unang nadakip ang suspek na si Gadioso Malarasta sa inilatag na manhunt operation ng tropa ni P/Supr. Art Brual Jr. kasama si SPO4 Roy Algire sa bayan ng Lemery, Batangas. Base sa ulat, si Malarasta ay dalawang taong nagtago sa nasabing bayan matapos na patayin ang kanyang kapitbahay. Sumunod na nasakote si Marcelito de Villa sa kanyang pinagtataguang bahay sa bayan ng San Juan Batangas. Nakumpiska kay de Villa ang cal. 45 pistol na may mga bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with